Biyernes, Oktubre 14, 2011

Panahon ng tag-ulan at tag-init
Ni: OL F9
 Ito ang weather advisory sa araw na ito ng Philippine Atmospheric. Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).  Bago ito ay nabalitaan natin ang mga pagbaha sa ilang panig ng Mindanao, Visayas at maging sa Palawan.
Nagpalabas na rin ng babala ang PAGASA na dahil sa El Nina phenomenon ay makakaranas ng maiksing tag-araw at mahabang tag-ulan ang bansa.
Maaaring nabalitaan din natin ang malubhang pagbaha sa Australia na ayon sa mga eksperto ay one-in-200-hundred-year phenomenon. Kung hindi naman baha ay niyebe o snow ang nagpahirap sa buhay ng tao sa mga nasa North America. Libo-libong pasahero na sana’y magbabakasyon nitong Disyembre aang na-stranded dahil naisarado ng napakaraming snow ang mga airports, kalsada at maging ang mga seaports.
Siguro’y sariwa pa sa alaala ng maraming Pilipino ang Bagyong Ondoy na nagdala ng napakaraming ulan na naging sanhi upang sumailalim sa tubig ang napakalaking bahagi ng Metro Manila. Kasunod nito ay ang Bagyong Pepeng na nagluwal ng di pangkaraniwang pag-ulan at nagpalubog sa napakalaking bahagi ng Central Luzon.
At ngayon ay nagbabala nga ang PAGASA sa mga pag-ulan na maaaring maging sanhi ng mga landslides at mga pagbaha, na maaaring maging sanhi ng pagkakasakit.

Sa kabila nito, mas natutuwa ako na mas matagal ang tag-ulan kaysa sa tag-init. Una ay mas maganda ang klima, malamig at dahil dito ay hindi masyadong nag-iinit ang ulo ng mga tao.




Mga pinagkunan:


www.google.com


Mga pinagkunan ng larawan:


monleg.blogspot.com

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento