Biyernes, Oktubre 14, 2011

Ang Kababalaghan ng Mundo

 Ni: OL-F5
Tuk, tuk, tuk, tuk, ang tunog na aking naririnig sa aming bubong. lumabas ako at tiningnan ito at nakita ang magandang araw ngunit naramdaman ko rin ang mga patak ng ulan sa parte ng aking katawan at ako ay napaisip, "Umuulan sa panahon ng tag-araw?"
Araw ay nararanasan ko ang isang normal na araw na sa tuwing dumadating ang mga "ber months" ay naulan o nagsisimula ng lumamig. At sa tuwing dumadating ang Abril hanggang Agosto ay mainit na mainit, pero ngayon ay may kakaibang nangyari sa kalagitnaan ng aking bakasyon ay nauulan. Ang sabi sa akin ng kaibigan ko ay dahil sa nag-aaway ang demonyo at asawa nito. Ang sabi naman ng aking ina ay gawa ito ng "La Nina". Naghanap ako sa kompyuter ng sagot at ayon sa wikipedia.com ang "La Nina" raw ay isang pinagpisang kababalaghan o penomenong  pangkaragatan at pang hihimpapawid na katapat ng "El Nino".
Kung ako ang tatanungin ay tayong mga tao ang may gawa nito, nagagalit na ang ating inang kalikasan. Dapat ay maging aktibo tayo sa pagsali sa mga clean and green program ang inang kalikasan. 
Kahit tayo ay tao lang ay matutuhan rin nating mahalin ang kalikasan itigil na natin ang pagpatay dito dahil kapag hindi natin ito inalagaan mayroong posebilidad na mangyari ang kababalaghan ng mundo.

Mga Pinagkunan:
La Nina
http://tl.wikipedia.org/wiki/La_Ni%C3%B1a

 El Nino
http://kids.earth.nasa.gov/archive/nino/intro.html 


Clean and Green Program
http://blog.cfcausa.org/2009/04/22/clean-and-green-in-the-philippines/

Larawan:  Mundo
http://us.123rf.com/400wm/400/400/deeboldrick/deeboldrick1002/deeboldrick100200007/6510564-eco-composting-symbol-for-composting-and-giving-back-to-mother-earth-healthy-nutrients-saving-our-en.jpg



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento