by:OL-F10
Ang ating bansa ngayon ay dumadaan sa isang pagbabago ng klima.Ang pagbabago ng klima ay sumasagot sa pagbabago sa karaniwang tinatanggap na enerhiya ng mundo. Sa pinakamalawak na iskala, ang klase na kung saan ang enerhiyang natatanggap ng daigdig mula sa araw at ang uri kung saan ito ay maaaring maubos ay nakadepende sa temperatura at klima ng mundo. Ang enerhiyang ito ay ipinamamahagi sa globo sa pamamagitan ng hangin, alon ng dagat at iba pang mekanisimo na nakaaapekto sa klima ng iba't-ibang rehiyon.
Ito ang weather advisory sa araw na ito ng Philippine Atmospheric. Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Bago ito ay nabalitaan natin ang mga pagbaha sa ilang panig ng Mindanao, Visayas at maging sa Palawan.
Nagpalabas na rin ng babala ang PAGASA na dahil sa El Nina phenomenon ay makakaranas ng maiksing tag-araw at mahabang tag-ulan ang bansa.
Maaaring nabalitaan din natin ang malubhang pagbaha sa Australia na ayon sa mga eksperto ay one-in-200-hundred-year phenomenon. Kung hindi naman baha ay niyebe o snow ang nagpahirap sa buhay ng tao sa mga nasa North America. Libo-libong pasahero na sana’y magbabakasyon nitong Disyembre aang na-stranded dahil naisarado ng napakaraming snow ang mga airports, kalsada at maging ang mga seaports.

Siguro’y sariwa pa sa alaala ng maraming Pilipino ang "Bagyong Ondoy" na nagdala ng napakaraming ulan na naging sanhi upang sumailalim sa tubig ang napakalaking bahagi ng Metro Manila. Kasunod nito ay ang Bagyong Pepeng na nagluwal ng di pangkaraniwang pag-ulan at nagpalubog sa napakalaking bahagi ng Central Luzon.
Ang pagbabago ng klima ay maari pa nating tugunan sa pamamagitan ng pagtitipid ng kuryente, tubig at iba pang mga bagay na dapat pagyamanin at pag-ingatan. Upang maiwasan ang pagbabago ng klima sa mundo kailangang bawasan ang paggamit ng mga bagay o produkto na nakakasira sa mundo. Kailangang baguhin ang mga bagay na nakakasira sa mundo. Makakatulong rin ang pagtatanim ng mga puno at halaman.Maaari ka ring sumuporta sa mga asosasyon tulad ng "Green Peace" at "Green Army". Sa pamamagitan ng mga paraang ito makakatulong ka na sa mundo at sa mga tao makakatipid ka pa.
sources
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento