Nakakaapekto ba? Oo o Hindi?
ni: OL-F6
May natatandaan ako na pinakamahirap na nangyari sa akin o pinakamatindi, mga nangyari na kami'y natamaan dahil sa hinagupit. ito'y nakalipas ng 2 taon noong ako'y mga 10-11 taong gulang.
Bihira itong mangyari sa buhay natin na dahil sa panahon lang na ito parang wala nang nangyari at bigla mo na lang itong nakikitang wala na sayo ang lahat. Sinabi ko sa aking sarili na, "Bakit ganon, parang nagsara ka ng pinto pagtingin mo wala na" dahil rin ito sa ating dalawang klima o panahon na parehas na nakakasira.Dalawang panahon sa bansang Pilipinas ito'y tinatawag natin sa mga pangalan na La Nina at El Nino, Itong La Nina o "Isang batang babae" isang panahon na napakaulan at ang El Nino naman na tinatawag sa tagalog na "Isang batang lalaki" isang panahon na napaka-init na nakakapatay ng mga yaman ng kalikasan katulad ng nakakamatay ng mga pananin na mga palay at pagkapatay ng mga hayop na hindi kayang tumagal sa init.
Kaya naman nating lahat na mailigtas muli ito, kaso sa mahirap na paraan na kailangan mo ang lahat ng mga tao sa bansang nasalanta nito. Kaya tayo'y magtulong-tulong para sa atin rin naman itong ginagawang kabutihan sa lahat.
Ngayon kami'y nasa mabuting kalagayan na sana'y hindi na maulit muli, para sa kinabubuti rin ng kalikasan na ang dalawang klimang ito o dalawang panahong ito.
Resources:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento