Biyernes, Oktubre 14, 2011

Init sa Ulan maaari ba?


ni: OL-F1
Ang pagbabago ng klima ay ang pagbabago-bago ng klima sa Daigdig o mga klima sa loob ng pangrehiyon sa loob ng pagdaan ng panahon. Ito ay maaring pagbabago sa karaniwang kalagayan ng panahon o kaya naman ang distribusyon ng mga karaniwang kaganapan. Ang pagbabago ng klima ay may limitasyon sa isang tiyak na rehiyon o kaya naman ay umiikot sa buong mundo. 


Ang pagbabago ng klima ay sumasagot sa pagbabago sa karaniwang tinatanggap na enerhiya ng mundo. Sa pinakamalawak na iskala, ang klase na kung saan ang enerhiyang natatanggap ng daigdig mula sa araw at ang uri kung saan ito ay maaaring maubos ay nakadepende sa temperatura at klima ng mundo. Ang enerhiyang ito ay ipinamamahagi sa globo sa pamamagitan ng hangin, alon ng dagat at iba pang mekanisimo na nakaaapekto sa klima ng iba't-ibang rehiyon.


Ang mas nakakaapekto sa pagbabago ng klima ay ang pagtaas ng mga gumagamit ng mga produktong may sangkap na chloroflouro carbon tulad ng fossil fuel, aerosol at pagyari ng semento. Ang iba pang mga kadahilanan na nakakaapekto ay ang sobrang paggamit ng mga lupain, pagkasira ng ozone, labis na pagkain ng mga hayop, at pagkasira ng mga kagubatan



Ang pagbabago ng klima ay maari pa nating tugunan sa pamamagitan ng pagtitipid ng kuryente, tubig at iba pang mga bagay na dapat pagyamanin at pag-ingatan. Upang maiwasan ang pagbabago ng klima sa mundo kailangang bawasan ang paggamit ng mga bagay o produkto na nakakasira sa mundo. Kailangang baguhin ang mga bagay na nakakasira sa mundo. Makakatulong rin ang pagtatanim ng mga puno at halaman.Maaari ka ring sumuporta sa mga asosasyon tulad ng Green Peace at Green Army. Sa pamamagitan ng mga paraang ito makakatulong ka na sa mundo at sa mga tao makakatipid ka pa. 


Mga Pinagkunan:
http://www.google.com.ph/imgres?q=climate+change&hl=en&biw=1280&bih=691&gbv=2&tbm=isch&tbnid=ltSjMoWzpJUVwM:&imgrefurl=http://www.keepbanderabeautiful.org/climatechange.html&docid=LFros067n2gUOM&imgurl=http://www.keepbanderabeautiful.org/climate-change.jpg&w=505&h=331&ei=LuKXTtTZMq6ViAf5y-yrAg&zoom=1&iact=rc&dur=421&sig=105277055216822100809&page=1&tbnh=130&tbnw=199&start=0&ndsp=16&ved=1t:429,r:2,s:0&tx=157&ty=77

http://www.google.com.ph/imgres?q=climate+change&hl=en&biw=1280&bih=691&gbv=2&tbm=isch&tbnid=JdITFSej_tLutM:&imgrefurl=http://barriosiete.com/philippines-and-climate-change/&docid=GPIcQmfYZKkGwM&imgurl=http://barriosiete.com/wp-content/uploads/2009/10/Climate-Change.jpg&w=400&h=375&ei=LuKXTtTZMq6ViAf5y-yrAg&zoom=1&iact=hc&dur=764&sig=105277055216822100809&page=1&tbnh=149&tbnw=126&start=0&ndsp=16&ved=1t:429,r:1,s:0&tx=114&ty=119&vpx=342&vpy=181&hovh=217&hovw=232

http://tl.wikipedia.org/wiki/Pagbabago_sa_klima

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento