ni: OL-F2
Ang pilipinas ay nakakaranas ng matinding buhos ng ulan dulot ng bagyo o napakainit na panahon ngayong taon dulot ito ng "climate change" o pagbabagobago ng panahon.Tuwing dumarating ang malakas na ulan maraming binabahang lugar sa ating bansa at minsan ay sinisira nito ang mga tahanan ng mga mahihirap na tao kaya tuwing dumarating ang unos na ito nag sisiksikan lamang ang mga tao sa masikip at maliit na mga evacuation center kung kaya nagiging kawawa ang mga sanggol na pilit na nasisikipan dito.Dahil sa atin nag babago ang panahon dahil rin ito sa ginagawa ng mga tao.Nakatutulong din ito sa ating buhay sapagkat ginagamit din natin ang malinis naulan sa ating panlabas na gawain tulad nalang nang paglilinis ng ating mga sasakyan upang makatipid tayo sa ating tubig.
Nakakaranas din tayo ng matindi at mainit na panahon dulot ng EL NINO.Sinasabing ang pag init ng panahon ay nakakaapekto sa ating inang bansa.Nakararanas tayo ng pagkakasakit sa balat kapag nakababad ka lang sandali sa araw.Sinasabi ring ang pagtaasng temperatura ng pilipinas ay magdudulot ng malaking pagbabago kasama rito ang karaniwang pagtaas ng dagat at pagbabagobago ng dami ng ulan.Nasisira din ang mga hanapbuhay ng mga magsasaka dulot ng tag tuyo.Nawalan din tayo ng supply ng tubig dulot din ng sobra at matinding sikat ng araw.Nakatutulong din ang sinag ng araw sa atin kapag naglalaba tayo at kinakailangan natin ng araw maaari tayo ditong mag patuyo ng ating amga pinaglabhan.
Ito lang naman ang nararanasan nating mga pilipino sa pag babagobago ng panahon minsan ito'y nakakaapekto sa ating buhay minsan naman ay nakakatulong din ito.Kailangan nating pangalagaan ang ating inang kalikasan bagkos dapat tayong makatulong sa ating kapaligiran sa tulong ng ating gobyerno at mga organisasyon magiging malinis ang ating kapaligiran, imbis na tayo'y makasira maging tapat at matulungin dapat tayo upang gumanda at maging dalisay ang takbo ng ating buhay.
Mga pinagkukunan
Larawan:
larawan ng maulan at maaraw na panahon: http://www.7digital.com/artists/the-bumblebeez/rainy-day-sunny-day/
Bidyo:
bidyo ng kapaligiran:http://www.youtube.com/watch?v=R4cAv0KDFrc&feature=related
Hyperlink: http://www.bomboradyo.com/index.php/news/latest-news/47576-mainit-na-panahon-tiyak-ngayong-weekend-pagasa
http://tl.wikipedia.org/wiki/Dagat
http://www.olx.com.ph/tl/q/paglilinis/c-191
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento