Biyernes, Oktubre 14, 2011

Mga Sakit sa Tagulan at Pampalamig sa Tag init





Alipunga o Athlete’s foot ay isang sakit sa balat ng paa na sanhi ng fungal infectionmula sa organism na Trichophyton. Ito’y nahahawa sa mga mabasa-basang lugar gaya ng mga paliguan at shower rooms. Kaya rin tinawag na Athlete’s foot ito dahil ang mga atleta o manlalaro na iisa ang pinapagliguan ang madalas magkahawahan nito. Sa terminolohiyang medikal, ang alipunga ay tinatawag na Tinea pedis.



Gawa man sa bahay o binili sa pamilihan, ang sorbetes ay hindi makakailang nangungunang paboritong panighaw sa tindi ng init na nararamdaman. Ang sorbetes ( o dirty ice cream) ay ang lokal na bersyon ng ayskrim na kadalasang itinitinda sa isang de-tulak na karitela. Noong 1920s unang natikman ng mga Pilipinoang matamis at malamig na pagkaing ito. Kadalasan, ang nagtitinda ng sorbetes ang siyang nagtitimpla nito. Nag-aalaga pa sila ng kanilang mga baka upang masiguradong ang gatas na gagamitin ay sariwa at malinis. Dalawang uri ng apa ang pinaglalagyan ng sorbetes – mayroong kulay kahel na bahagyang malambot; at isang kulay krema na matamis at higit na malutong. Maliban dito, maaari ring sa plastik na puswelo ilagay ang sorbetes at kinakain ito gamit ang munting kutsarang yari sa kaho.



Mga Pinagkunan:

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento